Linggo, Enero 13, 2013

Teoryang pormalismo

Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa.

repleksyon:

nalaman ko na ang teoryang ito tinutukoy ang kayarian ng nilalaman ng isang akda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento