Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang
na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang
kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila
pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya
nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa
kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo
kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil
may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya
pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa
Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng
mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na
nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay
pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at
napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang
lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na
malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng
tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa
kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang
makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at
nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito
makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang
maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang
magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at
pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang
bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng
alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito
inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang
lahat".
Repleksyon :
Nalaman ko sa akdang ito na lubos na inaapi ang mga mahihirap . Kagaya sa akdang ito ang lahat ay kinuha na kila tata selo dahil sila ay dukha . Siya ay nakulong dahil sa pagpatay niya para ipaghiganti ang kanyang anak . Dahil sa mahirao lang sila , sila ay inaapi at hindi nagkakaroon ng hustisya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento