Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los
Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay
gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng
Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat
isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang
isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga
nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot
at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno
ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang
matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina
tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si
pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano.
Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga
katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay
sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang
magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang
tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang
mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga
ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak
si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre
Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko
ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok
sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing
may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng
bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari
Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng
isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil
lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral.
Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring
Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala
niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari
Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong
panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de EspadaƱa at
Donya Victorina.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento