Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na
natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin
sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay
nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras
din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking
iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.
Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga
kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong
sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.
Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng
katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay
ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin.
Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na
siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng
patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain
niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na
sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura,
na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan
niya ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina
sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing
nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang
anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang
sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang
sasahudin ng anak.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano
na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos
uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo
sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na
siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang
beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng
kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa
kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan
siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas
na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento