Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao
laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
kaisipan- mensahe ng kwento.
Banghay- pangyayari sa kwento.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang maikling kwento ay binubuo ng panimula , suliranin , tunggalian , kapaligiran , kasukdula , wakas , banghay , paksang diwa at saglit na kasiglahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento