Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong
nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng
lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay
Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang
–ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay.
Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.
Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa
San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa
pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at
ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga
magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng
mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na
karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata
sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan,
ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura.
Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa
kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang
ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero
siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi
nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang
matutuhan ay tagalog.
Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na
di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa
kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang
magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng
wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes.
Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa
paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang
ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa
pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat
mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo
sa pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo,
nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo,
kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik,
nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng
pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na
nasusulat sa wikang kastila.
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa
katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio
at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling
ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura
nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang
guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa
paanyaya ng tinyente mayor.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento