Sabado, Enero 26, 2013
Enero 15
Sa araw na ito ako ay maagang gumising para ihanda ang aking sarili sa pagpasok Pagpasok ko sa eskwelahan ako'y naupo dahil medyo inaantok pa ako. Nang dumating ang aming guro ang klase ay nag simula na . Nang matapos ang klase ako ay umuwi agad at gumawa ng aking takda aralin . Pagkatapos ako ay natulog at pagkagising ko ako ay lumabas at naglaro ng basketball at ako ay umuwi at kumain ng aking hapunan at natulog.
Huwebes, Enero 17, 2013
Enero 14
Pasukan na naman , maaga akung nagising para ihanda ang aking sarili sa pagpasok . Pagpasok ko sa eskwelahan medyo inaantok pa ako kaya ako ay tumungo ilang sandali ay dumating ang aming guro . Pagkatapos ng aking klase ako ay pagod na pagod . Pag uwi ko ako ay kumain ng aking tanghalian at sa sobrang pagod ko ako ay nakatulog. Pagkagising ko ako ay gumawa ng aming takdang aralin. lumabas ako saglit para magpahangin. Paguwi ko ako ay kumain ng aking hapunan at natulog .
Linggo, Enero 13, 2013
Ang Karanasan ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong
nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng
lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay
Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang
–ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay.
Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.
Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog.
Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes.
Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.

Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na
natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin
sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay
nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras
din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Ang Bayan ng San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang
baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan
sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang
mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa
tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura pareho ng bayan.

Isang Pagtitipon
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los
Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay
gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng
Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de EspadaƱa at Donya Victorina.

Enero 13
Sa araw na ito ako ay maagang nagising dahil kailangan kung maghugas ng pinggan at ako ay kumain ng aking almusal at nanuod ako ng telebisyon. Pag katapos ako ay kumain ng aking tanghalian at natulog ako at pagkagising ko ako ay naligo at lumabas para maglaro ng kompyuter. Pag uwi ko ako ay kumain ng aking hapunan at natulog.
Enero 12
Huli na ng umaga ako nagising dahil napagod ako kababasket ball kahapon. Pagkagising ko ako ay kumain ng aking inumagahan at nang bandang tanghali ako ay kumain ng aking tanghalian at ako ay natulog at pagkagising ko ako ay naligo at lumabas ako para maglaro ng basket ball kasama ng aking mga kaibigan. Pag uwi ko ako ay kumain ng aking hapunan at natulog.
Enero 11
Sa araw na ito ako ay maagang nagising para tingnan ang aking gamit at mga nereview ko kahapon. Pagpasok ko sa eskwelahan ako ay kinabahan dahil mahihirap na ang mga test na dapat naming sagutan. Natapos na ang pagsusulit at malaking tuwa ang aking ibinigay sa araw na ito dahil tapos na ang pagdudugo ng aking isipan . Paguwi ko ako ay kumain at natulog.Pagkagising ko ako ay lumabas at naglaro ng basket ball kasama ng aking mga kaibigan.
Enero 10
Akong maagang nagising dahil ang araw na ito ay pagsusulit inihanda ko na ang aking dadalhin kahapon kaya handang handa ako. Natapos ang lahat ng pagsusulit at halos sumakit ang aking ulo ko . Pag uwi ko ako ay kumain ng aking tanghalian at nagreview para sa pagsusulit ulit para bukas. Mga 7 na akong kumaen at ako ay nakatulog.
Enero 9
Pagkagising ko ako ay naghanda nang dapat ihanda at pagpasok ko sa klase ako ay nagulat dahil ako palamang mag isa sa kaklase at naalala ko na masyadong maaga pala ako pumasok sa araw na ito . Naghintay ako ilang saglit lang ay dumami kame ng dumami at halos kaming lahat ay nakapasok. Pagkatapos ng klase ako ay maagang umuwi para kumain ng tanghalian at nag review ako para sa pagsusulit bukas halos sumakit ang ulo ko sa pagbabasa at di ko namalayan ang oras at 6 na pala ng gabe ako ay kumain at natulog.
Enero 8
Ako'y maagang gumising para pumasok . Pagpasok ko ako ay natuwa dahil pagtungtong ku palang sa may room namen biniro kaagad ako ng aking kaklase maya-maya ay dumating ang aming adviser at nakangiti . Masayang natapos ang kaklase ako ay natuwa dahil nadagdagan ang aking kaalaman. Pag uwi ko ako ay kumain ng aking tanghalian at gumawa ako ng aking proyekto at takdang aralin.
Enero 7
Maaga akong nagising dahil pasukan na naman . Pagpasok ko sa eskwelahan ako ay natuwa dahil halos lahat na ng mga kaklase ko ay pumasok . Masayang natapos ang klase at pag uwi ko ako ay kumain ng tanghalian at natulog. Pagkagising ko ako ay lumabas para maglaro ng kompyuter pag uwi ko ako ay kumain at natulog.
Enero 6
Sa araw na ito kami ay gumala para mag enjoy at family bonding. ang saya- saya ko sa araw na ito naubos namin ang halos isang araw sa galaan at bandang 7 na ng gabe kami umuwi at ako ay nakatulog.
Enero 5
Sa araw na ito huli na ng umaga ako nagising , kumain ako ng aking almusal at ginawa ang aking mga proyekto at takdang aralin . Hindi ko namalayan at alas dose na pala at kumain ako ng aking tanghalian , pagkatapos ay natulog ako . Pagkagising ko ako ay naligo at lumabas at naglaro ng basket ball at paguwi ko ako ay kumain bago matulog.
Enero 4
Araw ng biyernes. Pagkamulat at pagkamulat pa lamang nang mata ko ako ay tumayo at nagligpit at inihanda ang aking sarili sa pagpasok.Pagpasok ko sa aming room ako ay nagulat at natuwa dahil madami dami ang pumasok sa araw na ito . Hindi nagtanggal ang aking ngiti sa mukha dahil madalas kaming magbiruan ng aking mga kaklase.
Enero 3
Pasukan na ulit. Maaga akong gumising para ihanda ang aking sarili sa pagpasok
.Pagpasok ko sa eskwelahan ako ay nagulat dahil halos kakaunti ang aking mga kaklase na pumasok malayo sa aking inaasahan na lahat ay papasok. Kahit kakaunti lang ang pumasok ako ay natuwa parin dahil pumasok ang aking mga kaibigan.

Buod
Ang buod ay siyang pinapayak o pinakasimpleng anyo ng paglalahad. itoy pagpapaikli ng isangmahabang akda o tekstong binasa na hindi nagbabago ang nilalaman nito. Sa pagbubuod napapadali nito ang pang unawa sa isang diwa o seleksyon nararapar na magaan at simpleng mga pananalita lamang ang ginagamit.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang buod ay pinapayak na akda subalit pareho ang nilalaman.

Ironya
Ang ironya ay isang uri ng tayutay na ginagamit ng isang manunulat upang higit na maging masidhi ang kanyang paglalahad ng buhay sa loob ng kanyang akda. Sa pamamagitan ng tayutay ay napapainog ng manunulat ang guni-guni ng mga mambabasa karaniwan isang pinilpili ng isang manunulat sa kanyang nobela sa kadahilanang ito ay nagpapahayag ng mga hindi sukat akalain . Ang inaasahang pangyayari sa buhay ay hindi nangyayari.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang isang ironya ay ginagamit para mapasidhi ang paglalahad sa buhay ng nasa loob ng akda.

Tunggalian sa Nobela
isangmahalagang sangkap ng nobela ay ang tunggalian. Ito ang siyang nagpapaigting sa paglalahad ng mga karanasang tinipon ng isang manunulat upang mabuo ang buhay na kanyang inilalahad.
Ang tunggalian sa nobela ay nahahati sa tatlo
a. tao sa tao- ipinapakita na ang kasawian ng isang tao ay dulot ng kanyang kapwa.
b.tao sa kanyang sarili- ipinapakita naman ang manunulat ang magiting na paglalabang pangkatauhan ng pangunahing tauhan . Nilalabanan ng tao ang kanyang sarili.
c. tao sa lipunan- ipinapakita naman sa magiting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng panlipunang kanyang kinabibilangan.
Repleksyon :
Teoryang pormalismo
Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o
pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa tula na
nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong
lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang
pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod.
Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang
damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo
ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng
mambabasa.
repleksyon:
nalaman ko na ang teoryang ito tinutukoy ang kayarian ng nilalaman ng isang akda.

Teoryang Naturalismo
Ang teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinasidhing katangian ng
teoryang Realismo. Sa teoryang Naturalismo, itinuturing na mabangis na
gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado
ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao.
Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang
laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman
at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama.
Repleksyon :
Nalaman ko sa teoryang ito ay katulad ng teoryang realismo kasu ngalang ito ay pinasidhi at kasuklam suklam ang mga pangyayari sa buhay ng tao.

Elemento ng maikling kwento
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
kaisipan- mensahe ng kwento.
Banghay- pangyayari sa kwento.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang maikling kwento ay binubuo ng panimula , suliranin , tunggalian , kapaligiran , kasukdula , wakas , banghay , paksang diwa at saglit na kasiglahan.

Kanal De La Reyna
Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong
Sosyoekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na
kalagayan ng
isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyung
napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka” ng karamihan
ng
mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang ang kanyang bansa
at
lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela, mapapansing ang
tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng nobela
pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa
buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon
upang
umutang dahil sa kakapusan sa pera.
Imbes na tulungan niya ang mga
ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang.
Nakikita
rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga
opisyal.
Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taong walang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan ay walang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay may kaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kaya’t sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyang inapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan “Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawin sayo”, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaan at imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na sila’y mga hampas lupa. Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman o ganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito ay walang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas na kabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang naghahari.
Sa umpisa ng nobela ay ipinakilala agad ang mga pangunahing tauhan. Binanggit na rin agad ang mga pangalan nito at ang relasyon nila sa bawat isa. Malaking tulong ito upang maintindihan agad ang kwento. Sa pamamaraan ng pagsasalita ng mga pangunahing tauhan ay masasabing may-kaya ang mga ito. Gumagamit sila ng taglish, pambansang antas ng wika o minsan ay purong Inggles. Sa pagdaloy ng kwento, mas binibigyang pansin na ang mga tauhang si Caridad at Nyora Tentay. Makikita ang katatagan ng loob ng mga ito sa kabila ng pagiging isang babae. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian upang lumaban sa buhay.
Ang mga pangunahing tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawang pamilya. Ang pamilyang de los Angeles at Marcial. Ang pamilyang de los Angeles ay kinabibilangan nina Salvador, Caridad, Leni, at Junior. Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silang halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. Dahil siguro sa magandang ugnayan at buhay-pamilya, naging mabubuting tao ang bawat isa sa kanila.
Si Salvador ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at para sa ikabubuti ng asawa.
Si Caridad ay isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap.
Si Leni naman ang panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam. Ang huling miyembro ay si Junior. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipagusap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mga magulang. Minsan nga lamang ay masyado itong nagiging mapusok at napag-aalala niya tuloy si Caridad at Salvador. Nalagay na kasi siya sa kapahamakan dahil sa sobrang niyang paguusisa.
Sa kabilang dako, ang pamilyang Marcial naman ay binubuo nina Nyora Tentay, Victor, Gracia, at Gerry. Kung ang pamilyang de los Angeles ay puno ng pagmamahalan, ang pamilyang Marcial naman ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito. Kahit na naging masama si Nyora Tentay sa umpisa ng nobela ay nabago naman itong lahat pagdating sa katapusan. Tinanggap niya ang kanyang mga pagkakamali at ito ay dapat hangaan ng lahat. Tunay nga namang mahirap gawin ang pagtanggap sa pagkakamali. Hindi lang tayo nagpapatawad at nagtatanggal ng sisi sa iba kundi nililinis din natin ang ating mga puso’t konsensiya.
Si Victor ay ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Napilitan lamang siyang hiwalayan ang asawa dahil sa kagustuhan ng ina. Sa karakter ni Victor, makikitang masama ang epekto ng pagiging masyadong sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong nakatataas sayo. Sa paggawa ng desisyon sa buhay, dapat din nating isipin ang ating sariling kaligayan at kabutihan. Tayo ang may hawak sa ating kapalaran at hindi dapat tayo nagpapa-apekto sa mga ginagawa sa atin ng iba.
Sa kabila ng paghihiwalay nina Gracia at Victor, nagawa ni Graciang buhayin ang kanyang anak na si Gerry. Naging maunlad at marangya ang kanilang pamumuhay dulot na rin ng pagtitiyaga niya. Si Gerry ay katulad din ni Leni. Isang doctor na espesiyalista sa pangagamot ng mga bata. Iniwan man ng ama ay wala siyang kinikimkim na galit laban dito. Tanggap niya ang lahat at naiintindihan niya ito. Sa huli ay magkaka-ayos naman ang pamilyang Marcial ngunit sa umpisa ng nobela ay talagang magulo ito. Ganun din ang kanilang tinitirhan, ang Canal de la Reina.
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamayari ni Caridad ay nadirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela.
Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. Nagkaroon ito ng solusyon nang isang araw ay may dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas. Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari. Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.
Maraming makiktang isyung-panlipunan sa nobela. Bukod sa kahirapan ay makikita rin ang tungkol sa kurapsyon. Sa pagnanais ni Nyora Tentay ba mapasakanya ang mga lupain sa Canal de la Reina, maging ang mga pulis at mismong mayor ay sinuhulan niya. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa.
Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat ay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina.
Repleksyon :
Kahit na hindi pa namin ito tinatalakay sinubukan ko itong basahin at ang repleksyong nakuha ko ay kapag may problemang malutas tayoy magiging masaya at maligaya at kahit na anung suliranin ay malulutas kapag pinagiisipan>

Pamana
Isang araw ang ina ko'y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko'y tila baga nalulumbay
At ang sabi "itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya't aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman."
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata'y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na't may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
"Ang ibig ko sana, Ina'y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika'y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?"
"Wala naman," yaong sagot "baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya't aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw."
"Ngunit Inang," ang sagot ko, "ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko'y ikaw ina, ang ibig ko'y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko'y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika'y wala pang kapantay."
Repleksyon :
Sa tulang ito lubos akong nalungkot dahil namamaalam na ang isang ina sa kanyang mga anak at binibigay na niya ang mga pamana at nalaman ko na wagas ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.
Buod ng Kinagisnang Balon
May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw.
Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang
bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na
nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay
sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si
Erman na walang anak.
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya.
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat.
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya.
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw.
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya..
Tandang Owenyo - siya ay isang agwador sa kanilang bayan,
namana niya ang paggiging ganito sa kanya rin ama. Iniigiban niya
ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera
at para buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang
gawain para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang
pamilya.
Nana Pisyang - siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana
niya ito sa kanyang ina na si Da Felisa, hindi lang paglalaba ang alam
nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang ina.
Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng
hapunan.
Enyang - ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyang
ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng mga damit.
Narciso - nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-
aaral hanggang kolehiyo dahil na din sa kahirapan, dahil sa may
pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang
matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya
niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.
Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang,
masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga
"gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil
sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.
Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa texto. Ang layunin ng
panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa
Tibag" ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya ".
Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon.
Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina
na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa
kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na
namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang
ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghaatid ng
mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik
dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang.
Si Narciso o si Narsing "tawag sa kanya ng mga tao" ay nakapagtapos ng
haiskul dahil na nga sa kahirapan hindi na ito nakapagpatuloy pa hanggang sa
kolehiyo, masipag pagdating sa pag-aaral, palaging may dalang libro at sa
library pa ng bayan nagbabasa't humihiram ng libro. Labis itong naghihimagsik
dahil ayaw niyang pumasan ng pingga, kung magiigib man siya ay walang
gamit ng pingga tanging bitbit lang ng kanyang dalawang kamay ang balde.
Isang araw binigyan siya ng kanyang ina ng konting babaunin, ito ay ang
naipon sa paglalaba't pinagbilhan ng ilang upo't talagang inilalaan nila para sa
susunod na pasukan ng mga nakaabata iya pangkapatid. Nakituloy siya sa isang
tiyahin niya sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw ay naglalakad siya upang
makahanap ng kahit na anong mapasukan wag lang ang pag-aagwador, sa
paghahanap ng mapapasukan ay nakaranas na din siya ng gutom pero tiniis niya
ito, sinubukan na rin niya sa mga kompanya at mga paggawaan ngunit parating may nakasabit na " No Vacancy at Walang Bakante ". Hindi lamang siya ang
nabibigo sa paghahanap ng trabaho may madalas pa siyang makasabay na tapos
ng edukasyon at komers at kahit may mga dala itong papel na may pirma ng
mga senador o kongresman ay pareho din walang mahanap na pwedeng
mapasukan. Napadaan siya sa isang malaking gulayan ng intsik, kinausap niya
ito ng nakitang nagpapasan ng dalawang ng tubig na tabla at dito siya
nagtrabaho ng araw na iyon. Kinabukasan ng hapon ay nagpaalam siya sa
kanyang tiyahin na nasa Velasquez, sumakay siya ng truck pauwi sa kanilang
bayan sa lalawigan. Magtatakip silim na siya ng dumating sa Tibag ang
sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan, habang
sila'y kumakain nararamdaman ni Narsing na naghihintay ang ama't ina niya sa
kanyang pagsasalaysay tungkol sa paghahanap trabaho sa Maynila ngunit ano
naman ang maibabalita niyang hindi pa nila alam kung gaano kahirap
maghanap ng trabaho sa Maynila. Noong gabing iyon nagkasagutan sila ng
kanyang ama, iminungkahi ng kanyang ama na ibig naman niyang maghanap
buhay subukan nalang niya ang umigib, ngunit hindi nakapagpiigil si Narsing at
malakas at pahingal na sagot "Ano ba kayo!, Gusto niyo pati ako maging
agwador " pagkatapos ay ang kanyang ina ay napatakbo at tanong ng tanong
kung ano ba ang nangyari dahil minumura ito ng kanyang ama, pinagsasampal
siya ng kanyang ama at itinaas niya ang kanyang kamay upang sanggahin ang
isa pang sampal at nakita niya ang nagliliyab na mata ng kanyang ama,
sumisigaw ang kanyang ina habang umiiyak yakap siyang mahigpit ng kanyang
ina. Pagkatapos ng mga nangyari ay kung ano-anong balita ang kumakalat sa
Tibag, isang linggo pagkatapos ng pagsasagutan nilang mag ama ay nadisgrasya
sa balon ang Tandang Owenyo, ang dibdib nito ay pumalo sa nakatayong balde
at ito'y napilayan at nabalingat naman ang isang siko niya sabi ng marami ay
nahilo ang matanda ang iba nama'y wala raw sa isip niya ang ginagawa.
Kinabukasan hindi niya inaasahang mangyari na hindi siya kinantyawanat
pinagtawanan , nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang
kanyang buto pagakyat panaog sa mga hagdang matatarik sa pagsalin at
pabuhat ng tubig. Habang siya ay nakahiga sa sahig ay naisip niyang taniman
ng taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang,
maaga pa ay bumaba na si Narsing at muling nagigib ng tubig habang mahapdi
pa ang kanyang balikat, ng hapon na iyon habang naghihintay si Narsing sa
kanyang turno sa balon ay nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid
ng balon may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilang bagong agwador "
Binyagan si Narsing " at may nangahas na nagsaboy ng tubig
Repleksyon :
Nalaman ko na kahit na ayaw mu sa isang trabaho , pag sinabihan ka ng iyong magulang na dapat ito ang desisyon na gawin mo itoy mag reresulta sa isang pagtatalo pero balang araw malalaman mo ang sagot kapag pinagisipan mo ito. Tulad sa akdang ito kahit na ayaw ni narsing na mag igib ng tubig ito parin ang trabaho niya dahil mahirap makahanap ng trabaho na hindi katulad ng trabaho ng magulang.

Banyaga
Mula
nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang
tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya
dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O
napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling
ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang
katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa
bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok
Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"
Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.
"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?"
"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"
Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.
Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.
Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.
"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?"
"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..."
"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako."
"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."
"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.
"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'
"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."
"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..."
"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Sa akdang ito nalaman ko na lubos na nakakaapekto ang impluwensiya ng lipunan sa isang tao . Tulad sa akdang ito si fely ay nangibangbansa para magtrabaho para sa kanyang pamilya at nang bumalik siya sa pilipinas nagulat ang kanyang mga kamag anak dahil sa pagbabago nito.
Buod ng Sinag sa Karimlan
Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay
makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa
pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na taong gulang na
labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng
kasintahan na maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman
na isang manunulat, isa ring propesor sa isang unibersidad sa maynilaat
nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay apatnapu't limang
taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano.
Sa tagal nilang nagsama ay hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa
kanyang kasamahan sa bilangguan ay si Tony. Si Tony ang pinakabatang
bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa lang si Tony nang
iwan sya ng kanyang ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang
kasama. Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at nagging balediktoryan.
Dahil sa kahirapan natuto siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang
naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang ama at
itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya
nakilala ang isang pari, si Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting
umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi lang si Padre
Abena ang gusting tumulong kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya
rin sa bilibid.
Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na imposible ito. Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang magkaharap ang mag-ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.
Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa ni Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.
Repleksyon :
Nalaman ko na kahit mahirap magpatawad ay mapapatawad at mapapatawad ang isang tao lalong lalo na kapag mahal mo ito at may pagsasama kayo o kaya naman dahil magkadugo kayo.Tulad sa akdang ito napatawad ni tony ang kanyang ama kahit na matagal silang iniwan nito , at pinabayaan.

Tata Selo
Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang
na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang
kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila
pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya
nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa
kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo
kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil
may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya
pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa
Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng
mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na
nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay
pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
Repleksyon :
Nalaman ko sa akdang ito na lubos na inaapi ang mga mahihirap . Kagaya sa akdang ito ang lahat ay kinuha na kila tata selo dahil sila ay dukha . Siya ay nakulong dahil sa pagpatay niya para ipaghiganti ang kanyang anak . Dahil sa mahirao lang sila , sila ay inaapi at hindi nagkakaroon ng hustisya.

Mabangis na Lungsod
Mabangis na Lungsod
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay t
tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.
. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.
. “Mama…Ale, palimos na po.”
. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.
. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”
. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.
. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.
. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.
. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.
. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig
. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.
. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.
. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”
. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.
Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Repleksyon :
Nalaman ko na mahirap mabuhay pag masyadong mahirap dahil kailangan mung magsikap kahit musmos kapa lamang . Sa akdang ito lubos na naghirap si adong dahil wala sumusuporta sa kanya at inaapi siya ng kanyang kapwa pulubi . Lubos na kalunos lunos ang kinahinatnan ni adong.
Sa Pula sa Puti
Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)
Repleksyon :
Nalaman ko sa akdang ito na masama ang naidudulot ng pagsusugal lalo na sa mga walang swerte sa ganitong bagay . Gaya ni kulas sa akdang ito siya ay hindi manalo nalo sa sabong kahit na siya ay nanaginip na tungkol sa salapi kaya halos hindi na sila makakain ng masarap dahil sinasabong ni kulas ang pera.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)