May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw.
Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang
bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na
nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay
sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si
Erman na walang anak.
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na
isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya
at nagsilbi na ring ama-amahan niya.
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat.
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang
sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang
kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap
niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony.
Kaya umalis na lang siya.
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw.
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony
ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony
ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap
naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes
nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya..
Tandang Owenyo - siya ay isang agwador sa kanilang bayan,
namana niya ang paggiging ganito sa kanya rin ama. Iniigiban niya
ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera
at para buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang
gawain para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang
pamilya.
Nana Pisyang - siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana
niya ito sa kanyang ina na si Da Felisa, hindi lang paglalaba ang alam
nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang ina.
Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng
hapunan.
Enyang - ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyang
ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng mga damit.
Narciso - nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-
aaral hanggang kolehiyo dahil na din sa kahirapan, dahil sa may
pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang
matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya
niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.
Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang,
masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga
"gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil
sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.
Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa texto. Ang layunin ng
panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa
Tibag" ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya ".
Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon.
Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina
na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa
kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na
namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang
ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghaatid ng
mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik
dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang.
Si Narciso o si Narsing "tawag sa kanya ng mga tao" ay nakapagtapos ng
haiskul dahil na nga sa kahirapan hindi na ito nakapagpatuloy pa hanggang sa
kolehiyo, masipag pagdating sa pag-aaral, palaging may dalang libro at sa
library pa ng bayan nagbabasa't humihiram ng libro. Labis itong naghihimagsik
dahil ayaw niyang pumasan ng pingga, kung magiigib man siya ay walang
gamit ng pingga tanging bitbit lang ng kanyang dalawang kamay ang balde.
Isang araw binigyan siya ng kanyang ina ng konting babaunin, ito ay ang
naipon sa paglalaba't pinagbilhan ng ilang upo't talagang inilalaan nila para sa
susunod na pasukan ng mga nakaabata iya pangkapatid. Nakituloy siya sa isang
tiyahin niya sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw ay naglalakad siya upang
makahanap ng kahit na anong mapasukan wag lang ang pag-aagwador, sa
paghahanap ng mapapasukan ay nakaranas na din siya ng gutom pero tiniis niya
ito, sinubukan na rin niya sa mga kompanya at mga paggawaan ngunit
parating may nakasabit na " No Vacancy at Walang Bakante ". Hindi lamang
siya ang
nabibigo sa paghahanap ng trabaho may madalas pa siyang makasabay na tapos
ng edukasyon at komers at kahit may mga dala itong papel na may pirma ng
mga senador o kongresman ay pareho din walang mahanap na pwedeng
mapasukan. Napadaan siya sa isang malaking gulayan ng intsik, kinausap niya
ito ng nakitang nagpapasan ng dalawang ng tubig na tabla at dito siya
nagtrabaho ng araw na iyon. Kinabukasan ng hapon ay nagpaalam siya sa
kanyang tiyahin na nasa Velasquez, sumakay siya ng truck pauwi sa kanilang
bayan sa lalawigan. Magtatakip silim na siya ng dumating sa Tibag ang
sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan, habang
sila'y kumakain nararamdaman ni Narsing na naghihintay ang ama't ina niya sa
kanyang pagsasalaysay tungkol sa paghahanap trabaho sa Maynila ngunit ano
naman ang maibabalita niyang hindi pa nila alam kung gaano kahirap
maghanap ng trabaho sa Maynila. Noong gabing iyon nagkasagutan sila ng
kanyang ama, iminungkahi ng kanyang ama na ibig naman niyang maghanap
buhay subukan nalang niya ang umigib, ngunit hindi nakapagpiigil si Narsing at
malakas at pahingal na sagot "Ano ba kayo!, Gusto niyo pati ako maging
agwador " pagkatapos ay ang kanyang ina ay napatakbo at tanong ng tanong
kung ano ba ang nangyari dahil minumura ito ng kanyang ama, pinagsasampal
siya ng kanyang ama at itinaas niya ang kanyang kamay upang sanggahin ang
isa pang sampal at nakita niya ang nagliliyab na mata ng kanyang ama,
sumisigaw ang kanyang ina habang umiiyak yakap siyang mahigpit ng kanyang
ina. Pagkatapos ng mga nangyari ay kung ano-anong balita ang kumakalat sa
Tibag, isang linggo pagkatapos ng pagsasagutan nilang mag ama ay nadisgrasya
sa balon ang Tandang Owenyo, ang dibdib nito ay pumalo sa nakatayong balde
at ito'y napilayan at nabalingat naman ang isang siko niya sabi ng marami ay
nahilo ang matanda ang iba nama'y wala raw sa isip niya ang ginagawa.
Kinabukasan hindi niya inaasahang mangyari na hindi siya kinantyawanat
pinagtawanan , nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang
kanyang buto pagakyat panaog sa mga hagdang matatarik sa pagsalin at
pabuhat ng tubig. Habang siya ay nakahiga sa sahig ay naisip niyang taniman
ng taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang,
maaga pa ay bumaba na si Narsing at muling nagigib ng tubig habang mahapdi
pa ang kanyang balikat, ng hapon na iyon habang naghihintay si Narsing sa
kanyang turno sa balon ay nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid
ng balon may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilang bagong agwador "
Binyagan si Narsing " at may nangahas na nagsaboy ng tubig
Repleksyon :
Nalaman ko na kahit na ayaw mu sa isang trabaho , pag sinabihan ka ng iyong magulang na dapat ito ang desisyon na gawin mo itoy mag reresulta sa isang pagtatalo pero balang araw malalaman mo ang sagot kapag pinagisipan mo ito. Tulad sa akdang ito kahit na ayaw ni narsing na mag igib ng tubig ito parin ang trabaho niya dahil mahirap makahanap ng trabaho na hindi katulad ng trabaho ng magulang.
Linggo, Enero 13, 2013
Banyaga
Mula
nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang
tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya
dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O
napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling
ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang
katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa
bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok
Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"
Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.
"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?"
"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"
Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.
Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.
Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.
"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?"
"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..."
"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako."
"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."
"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.
"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'
"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."
"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..."
"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Sa akdang ito nalaman ko na lubos na nakakaapekto ang impluwensiya ng lipunan sa isang tao . Tulad sa akdang ito si fely ay nangibangbansa para magtrabaho para sa kanyang pamilya at nang bumalik siya sa pilipinas nagulat ang kanyang mga kamag anak dahil sa pagbabago nito.
Buod ng Sinag sa Karimlan
Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay
makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa
pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na taong gulang na
labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng
kasintahan na maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman
na isang manunulat, isa ring propesor sa isang unibersidad sa maynilaat
nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay apatnapu't limang
taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano.
Sa tagal nilang nagsama ay hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa
kanyang kasamahan sa bilangguan ay si Tony. Si Tony ang pinakabatang
bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa lang si Tony nang
iwan sya ng kanyang ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang
kasama. Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at nagging balediktoryan.
Dahil sa kahirapan natuto siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang
naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang ama at
itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya
nakilala ang isang pari, si Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting
umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi lang si Padre
Abena ang gusting tumulong kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya
rin sa bilibid.
Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na imposible ito. Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang magkaharap ang mag-ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.
Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa ni Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.
Repleksyon :
Nalaman ko na kahit mahirap magpatawad ay mapapatawad at mapapatawad ang isang tao lalong lalo na kapag mahal mo ito at may pagsasama kayo o kaya naman dahil magkadugo kayo.Tulad sa akdang ito napatawad ni tony ang kanyang ama kahit na matagal silang iniwan nito , at pinabayaan.

Tata Selo
Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang
na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang
kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila
pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya
nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa
kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo
kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil
may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya
pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa
Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng
mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na
nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay
pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
Repleksyon :
Nalaman ko sa akdang ito na lubos na inaapi ang mga mahihirap . Kagaya sa akdang ito ang lahat ay kinuha na kila tata selo dahil sila ay dukha . Siya ay nakulong dahil sa pagpatay niya para ipaghiganti ang kanyang anak . Dahil sa mahirao lang sila , sila ay inaapi at hindi nagkakaroon ng hustisya.

Mabangis na Lungsod
Mabangis na Lungsod
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay t
tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.
. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.
. “Mama…Ale, palimos na po.”
. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.
. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”
. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.
. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.
. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.
. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.
. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig
. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.
. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.
. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”
. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.
Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Repleksyon :
Nalaman ko na mahirap mabuhay pag masyadong mahirap dahil kailangan mung magsikap kahit musmos kapa lamang . Sa akdang ito lubos na naghirap si adong dahil wala sumusuporta sa kanya at inaapi siya ng kanyang kapwa pulubi . Lubos na kalunos lunos ang kinahinatnan ni adong.
Sa Pula sa Puti
Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)
Repleksyon :
Nalaman ko sa akdang ito na masama ang naidudulot ng pagsusugal lalo na sa mga walang swerte sa ganitong bagay . Gaya ni kulas sa akdang ito siya ay hindi manalo nalo sa sabong kahit na siya ay nanaginip na tungkol sa salapi kaya halos hindi na sila makakain ng masarap dahil sinasabong ni kulas ang pera.
Ang Kalupi
Mataas na ang araw nang lumbas si Aling Marta sa
bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalawas ang kanyang
mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang
malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At
sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at
maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos
ng kanyang anak na dalaga; sa habing iyon ay tatanggapin nito ang
diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa
mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin
namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang
anak na nagtapos sa high school au hindi na isang maliit na bagay sa
isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay
para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang
puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pang
mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng
kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng
mamanuganing may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang
naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang
paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang
puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di-magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang palabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na nga ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kasimeta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
“Pasensiya na kayo, ale,” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos–tagbebeinte, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensiya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumuasok. Paano’t paano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan na nakarinig sa kanyang mga sinasabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumuli ng isang kartong mantika.
“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marat at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
“Bakit no?” anito.
“E ... e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e, magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.
“Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ialng sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ang kasuotan nito na maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwang kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aappuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi ng bata. “Wala ho akong kinukuhang pintaka sa inyo.”
“Anong wala!” pasinghal na sa abi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke.”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad na ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e, wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.’
“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-aalis sa mabutong mga daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat at sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.
“Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako’y nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, au lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.
“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng tatoo, kung di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e, naipasa mo na sa kapwa mong mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad ... isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo. Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e, ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis. “Hindi natin karaka-rakang madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng iyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E, anompang evidencia ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinasabi ko nang binangga akong pasadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”
Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin; maya-maya’y muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulya.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e, me sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyag Ines ko nakatira sa Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa mga lola ko sa Kiyapo at kung minsan naman ho, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”
“Samakatuwid ay dito kayang mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”
Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para-para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata dalhin na antin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo, e, sabad kayo nang sabad, e,” ang sabi ng pulis. “Buweno, kung gusti n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yp sabihin ang gusto n’yong sabihin. At doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”
Inakbayan nito ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang di umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ilan ay ngingiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dlang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinwakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin, ay pabalinghat niyang pinilipit sa likod nito.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e, ako ang gagawa ng ikakaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?”
Napihiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa knayng balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ang buong panggigigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang binitiwan ng humahabol na si Aling Marta, ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilin sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na mula ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala na siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umiimik si Aling Marta habng minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya kapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ang binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito sa paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”
May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan. Ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanyang. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwarderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.
“Wala naman sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”
May himig pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.
“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan ninyong iwan sa akin ang inyong pangalan at deriksiyon ng iyong bahay upang kung mangailangan ng ulat ng pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”
Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot ng alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon ng walang tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng nahahayap na mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot ng gulo at kahihiyan! sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung hindi sa tinamaan na lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y umbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa tabi ng iba. Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka ... saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa mabilis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at ano mang pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Goryang at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ng Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay makauwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob sa kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nana?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.
“E ... e,” hindi magkantututong sagot ni Aling Marta. “Saa pa kundi sa aking pitaka.”
Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e, naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gumita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
Repleksyon :
Nalaman ko na hindi tama ang pamimintang sa iba pag nakabase ito sa panlabas na anyo dahil lubos itong nakasasama sa atin at napagbintangan natin . Gaya sa akdang ito pinagbintangan ni aling marta si andres reyes sa kaanyuan nito.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)