Biyernes, Marso 15, 2013

Mga Sakristan


Ang ugong ng mga ang kidlat ay sunod-sunod at maikli ang pagitan, na una munang makikita ang nakakagulat, nakakabulag at liku-likong liwanag ng kidlat:  Sinasabing isinusulat ng Diyos ang Kanyang pangalan sa pamamagitan ng apoy at ang bubungan ng langit ay umid na nanginginig.  Ang ulan ay bumabagsak na parang ibinubuhos, at ang hagupit ng umuugong na hangin, at nag-iiba-iba ang direksiyon, na parang sinasabayan ang malungkot na panalangin ng kampana, at sandaling patlang ay sumisingit ang ugong ng pag-ungal /roar ng unos, na katulad  sa magkasabay na sigaw ng hinagpis, at ng isang tahimik na hibik ng isang nanambitan na tumatangis.[1]
            
Sa ikalawang palapag ng tore ay naroon ang dalawang batang lalaking kinakausap kanina ng pilosopo.  Ang bata ay ay may malalaking maitim na mata at bakas sa mukha ang takot, inilalapit ang katawan sa kanyang kapatid, na kahawig niya sa anyo ng mukha ngunit magkaiba sa pagtitig ang nakababata, pagkat lalong mapanuri at anyong matapang kaysa nakakatanda.  Pareho silang  nakasuot ng dukhang damit na tadtad ng tagpi. Kapwa nakaupo kapwa sa isang malaking putol ng kahoy, bawat isa ay may hawak na lubid na ang dulo  ay nagtatapos sa ikatlong palapag, sa itaas na kasama ng kadiliman.  Ang ulan na itinutulak ng hangin ay umaabot sa kanilang kinalalagyan at humihihip sa putol na kandila, na nagdidingas sa ibabaw ng isang malaking batong ginagamit kung Biyernes Santo, na ipinagugulong sa coro upang gayahin ang tunog ng kulog.[2]

“Hilahin mo ang lubid, Crispin!” ang sabi ng malaki sa kanyang kapatid na munti.

Nag-alambitin si Crispin sa hawak na lubid at sa itaas ay nadinig ang isang mahinang tunog, na mabilis na tinalo ng isang malakas na kulog, at  higit pang pinalakas ang tunog ng libong alingawngaw. 

“Ah!  Kung nasa bahay na sana tayo ngayon,  kasama ni ina,” ang hibik ng maliit na nakatitig sa kanyang kapatid, “doon ay hindi ako matatakot.”
            
Ang nakakatanda ay hindi sumagot, nakatitig sa luha ng kandila na parang nag-iisip.[3]

Doon walang magsasabing ako ay nagnanakaw!” patuloy ni Crispin, “hindi papayag si Ina!  Kung malalaman na ako ay pinapalo…”[4]
            
Inilayo ng nakakatanda ang tingin sa ilaw, itinaas ang ulo, madiing kinagat ang malaking lubid na biglang binatak at nadinig ang isang malakas na tunog ng kampana.[5]
            
Ganito na lamang bang palagi ang buhay natin kuya?”[6] ang patuloy na sabi ni Crispin.  “Gusto kong ako ay magkasakit bukas sa bahay, ibig kong magkaroon ng isang matagal na karamdaman upang alagaan ako ni nanay at huwag na akong pabalikin pa sa kumbentoSa gayon, hindi ako tatawaging magnanakaw, o sasaktan nila.  At ikaw din kuya, dapat kang  magkasakit na kasama ko.”[7]
           
“Hindi!” sagot ng nakakatanda, “mamamatay tayong lahat; ang nanay ay sa sama ng loob, at tayo naman ay sa gutom.” Si Crispin ay hindi tumutol.

“Magkano ang kikitain mo sa buwang ito?” ang tanong, makaraan ang sandali.
       
“Dalawang piso:  pinatawan ako ng tatlong multa.”¨
       
“Bayaran mo kuya ang ibinibintang na ninakaw ko, upang hindi tayo tatawaging magnanakaw:  bayaran mo, kuya!”

“Nababaliw ka ba, Crispin?  Walang kakainin si Nanay; ang sabi ng sakristan-mayor ay dalawang onza ang ninakaw mo, ang katumbas ng dalawang onza ay tatlumpu’t dalawang piso.”[8]

Ang mallit ay bumilang sa kanyang daliri hanggang tatlumpu’t dalawa.
       
“Anim na kamay at dalawang daliri!  At piso sa bawat daliri,” ang bulong at pagkatapos ay nag-iisip.  “At ang bawat piso ay… ilang kuwalta?” 
       
Isang daan at animnapung kuwalta?  Isang daan at animnapung tig-isang kuwalta?[9]  Ina!  At ilan ang isang daan at animnapu?”
            
“Tatlumpu’t dalawang kamay,” ang sagot ng matandang kapatid.
            
Sandaling minalas-malas ni Crispin ang kanyang maliit na kamay.
            
“Tatlumpu’t dalawang kamay!” ang ulit, “anim na kamay at dalawang daliri, at ang bawa’t daliri ay tatlumpu’t dalawang kamay…at bawa’t daliri ay isang kuwalta… Ina, napakaraming kuwalta!  Hindi mabibilang ng isang katao sa tatlong araw… at maibibili ng sinelas at sumbrero kung mainit ang araw,  isang malaking payong kung umuulan,  pagkain, at mga damit mo at ni Ina at…” Si Crispin ay nag-isip-isip. “Ngayon ay dinaramdam kong hindi ko iyon ninakaw!”

“Crispin!” ang tutol ng kapatid.
            
Huwag kang magalit!  Sinabi sa akin ng kura na ako ay papatayin sa palo pag hindi lumabas ang salapi;[10] kung ninakaw ko iyon ay mailalabas ko[11] at kung ako man ay mamatay ay nagkaroon naman sana kayong dalawa ni nanay ng damit!  Sana na ninakaw ko na talaga!”[12]
           
Ang nakakatanda ay hindi kumibo at binatak ang kanyang lubid.  Pagkatapos ay sumagot na sabay sa buntunghininga: “Ang aking ikinatatakot ay baka ka kagalitan ni Nanay pag naalaman!”
      
Sa akala mo kaya,” ang patakang tanong ng maliit.  “Sabihin mong ako ay pinalo na nang sobra-sobra, ipakikita ko sa kanya ang aking mga latay at ang aking sirang bulsa; ako ay wala kundi isang malapad (sikapat) na ibinigay sa akin noong Pasko, at kinuha ng kura kahapon.  Hindi pa ako nakakakita ng isang malapad na gayong kaganda.  Si Nanay ay hindi maniniwala, hindi siya talagang maniniwala.”
       
“Kung sabihin ng kura na …”

Si Crispin ay nag-iiyak, na bumubulong habang humihikbi: “Kung gayon umuwi kang mag-isa, ayoko nang umuwi; sabihin mo na kay nanay na ako ay may sakit; ayokong umuwi.”[13]
               
“Huwag kang umiyak, Crispin!” ang sabi ng malaki.  “Si nanay ay hindi  maniniwala; huwag kang umiyak; ang sabi ni Matandang Tasyo ay naghihintay sa atin ang isang masarap na hapunan …”
           
Itinaas ni Crispin ang kanyang ulo at tumingin sa kapatid.

Repleksyon :

             Sa kabantang ito ng noli me tangere mapapansin ang ang aapi ng isang sakristan mayor sa mga sakristan na sina crispin at basilio . Lalo silang pinagmalupitan dahil sa pagnanakaw nila ng salapi na hindi naman totoo . Naiwang magisa si basilio dahil sinaktan ng sakristan mayor si Crispin.

2 komento: