Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya
hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala
niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan.
Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay
na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya
upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka
matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na
isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay
na wala siyang nalalaman dito.
Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na
ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong
ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang
abala sa kanyang mga gawain.
Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang
pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan
din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila
dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa
Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga
kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa
Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira. Diumano,
di nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.
Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na
artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng
ba be bi bo bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng
artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal.
Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si don Rafael.
Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at
si DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi
ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang
artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal
sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal
ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at
pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing
na pinakamabigatna parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din
siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar)
at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at
sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang
abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa
pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo
nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay
malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa
kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay
hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay
kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang
magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng
maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.
Repleksyon :
Sa kabanatang ito makikita ang pagsisiyasat ni ibarra tungkol sa nangyari sa kanyang ama nung siya ay nagngibang bansa , kung bakit ito nakulong . Isinalaysay ng isang tenyente ang nangyari sa ama ni ibarra na si don rafael ibarra .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento