Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga
humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't
mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras,
"Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang
panginoon ng kanyang kapalaran."
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may
bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan
at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
Repleksyon :
Sa teoryang ito ay lubos na naglalarawan sa mga tao . Maga taong nagnanais na magkaron ng malinaw at pagkaintindi sa kasaysayan .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento