Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa
kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para
siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas
sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng
kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na
niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa
kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding
pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na
tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang
ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang
ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang
kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa
halip pakaladkad na sinama siya sa kuwartel.
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga
kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa
nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay
nasa kabayanan na.
Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatapos pa lamang ng misa. Halos
malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel.
Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang
kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag dayami.
Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan
Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa.
Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ag Alperes. Iniutos na palayain na
si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang
nakabalndra sa isang sulok.
Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa
kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan
ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito
makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod,
at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang
bumalik sa bahay.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may
bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa
sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng
matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga
anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas.
Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong
pagkatao.
Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na
pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay
magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong
nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.
Repleksyon :
Sa kabanatang ito makikita ang paggiging kabado ni sisa dahil mayroon siyang nakasalubong na mga kawal sa daanan di niya malaman ang gagawin kaya sa kabanatang ito makikita ang pang aapi sa kababaihan noong panahon ng kastila .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento