Biyernes, Disyembre 28, 2012
Disyembre 28
Sa araw na ito gumising ako ng maaga para maghugas ng pinggan at pagkatapos kong maghugas ng pinggan at pagkatapos ako ay kumaen ng aking almusal at pagkatapos ako ay nanuod sa telebisyon at ako ay lumabas para bumili ng aming pagkain para sa tanghalian . Pag uwi ko kame ay kumaen . Sa sobrang antok ko ako ay nakatulog at pagkagising ko ako ay naligo at pagkatapos kong maligo ako ay lumabas para mag kompyuter at pagkatapos kung magkompyuter ako ay umuwi para maglaro ng basket ball . Pagkatapos kong maglaro ng basket ball ako ay umuwi at kumaen ako ng aking hapunan at pagkatapos kong mag kumaen ako ay natulog.
Disyembre 27
Pagkagising ko kumain ako at ako ay nanuod ng telebisyon .Pagkatapos kong manuod ako ay naligo,pagkatapos kong maligo ako ay dumiretso sa kompyuter shop para mag kompyuter . Pagkatapos kong mag kompyuter ako ay umuwi at kumaen ng aking tanghalian , pagkatapos kung kumaen ako ay natulog at pagkagising ko ako ay lumabas para kumustahin ang aking mga kaibigan at ako ay nakipag usap ng napakatagal kaya bandang ika-6 na ng gabe ako nakauwe. Pagkauwe ko ako ay kumaen ng aking hapunan at sa wala akong magawa ako ay nakatulog.
Disyembre 26
Sa araw na ito maaga akong nagising at pagkagising ko kumaen ako at nanuod ng telebisyon . Pagkatapos kong manuod ng telebisyon ako ay naghugas ng plato . At ng bandang ika-12 kumaen ako ng aking tanghalian at ako ay nakatulog , pagkagising ko ako ay naligo at lumabas para maglaro ng basket ball at ako ay naglaro ng kompyuter at bandang 7 na ng gabe ako kumaen ng aking hapunan at ako ay natulog.
Disyembre 25
maaga kameng nagising para kumustahin ang aming mga kamag-anak . Kumain muna kame at naligo bago kame umalis ng bahay nang ika-5 na ng hapon kame ay nakauwi at kame ay naggala . Sa galaan na kame kumaen ng aming hapunan . pagkauwi namen ako ay nakatulog agad.
Disyembre 24
Pagkagising ko kumaen ako ng hapunan naging abala kameng lahat ng araw na ito nilagyan namen ng dekorasyon ang ameng bahay para sa darating na pasko , muli kameng namalengke ng aking ina para sa mga nakalimutang sangkap sa aming ihahanta pra sa noche buena . Pakauwi namen ng aking ina kame ay nagtanghalian at sa sobrang pagod nakatulog ako ng halos 2 oras at kalahati , pagkagising ko naligo ako at pumunta sa tindahan at paguwi ko tumulong ako sa gawaing bahay para mapadali ang paghahanda ng aking ina at itay . Nais ko sanang hintayin ang ika-12 na gabe subalit bandang ika-8 na ng gabe ako nakatulog.
Disyembre 23
Sa araw na ito nagising ako ng maaga para samahan ang aking ina para mamalengke para sa aming kakainin at ihahanda sa noche buena bukas.Pagkauwi namin ng aking ina saktong ika-12 na ng tanghali at pagtapos niyang magluto kame ay kumaen , pagkatapos nameng kumain ako ay nakatulog at pagkagising ko ako ay naligo at lumabas ako para mag kompyuter kahit saglit lang at pag uwi ko kumaen ako ng hapunan at ako ay natulog.
Disyembre 22
Maaga akong nagising para kumain ng almusal , magwalis at maglinis ng bahay natapos ang lahat ng gawaing bahay bandang ika-10 ng umaga at ako ay nakatulog at bandang ika-1 na ng tangahali ako nagising kumaen ako ng aking tanghalian pagkagising ko at ako ay lumabas para maglaro ng kompyuter . Pagkatapos kong magkom naligo ako. At mga ika-6:30 na ako naghapunan at natulog.
Disyembre 21
Mga bandang ika-10 na ng umaga ako ako nagising dahil sa sobrang pagod ko kahapon.Pagkatapos konh kumaen ng aking almusal.Lumabas ako para maglaro ng basket ball at bandang ika-12 ng tanghali ako umuwi para kumain ng tanghalian ,nanuod ako ng palabas sa channel 5 at nakatulog ako ng 2 oras . Pagkagising ko naligo ako at nang ika-7 na ng gabe kumaen ako ng aking hapunan at makalipas ang ilang saglit dinapuan ako ng antok at ako ay nakatulog.
Disyembre 20
Sa araw na ito , maaga akong nagising para pumunta sa paaralan para ipagdiwang ang christmas party ng ikatlong taon pangkat isa , masayang natapos ang pagdiriwang na naganap , napagpasyahan naming magkakaibigan na pumunta sa Sta . Lucia para magakaroon kame ng isang masayan araw na magkakasama , nang sumapit ang ika-5 ng hapon nagpasya na kameng umuwi . Pagdating ko sa bahay kumain ako ng pagkain ko para sa hapunan at natulog na ako.
Miyerkules, Oktubre 10, 2012
Kabanata 60 ( Ikakasal si Maria Clara )
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong
man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa.
Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del
Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago
ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong.
Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa
kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya
ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi
na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng
isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña
na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya
Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang
nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan
tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na
magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang
nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib.
Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat
nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling
maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila
at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may
grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na
nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot
siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na
maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang
daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat
kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa
narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan
niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay
lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na
katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon
lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay
binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan.
At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may
sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka
at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at
pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan
lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng
laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang
tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran
ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa
dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si
Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si
Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa
bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang
papalayo sa lumuluhang si Maria.
Repleksyon :
nalaman ko na sa bandang huli ng noli me tangere na hindi magkakatuluyan sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara . Nagdulot ito ng sakit sa kalooban ni Maria Clara na dahilan ng kanyang paglugha .

Kabanata 54 ( Ang Lahat ng Lihim ay Nabubunyag Walang Di Nagkakamit ng Parusa )
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga
taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin.
Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes.
Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago
makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng
kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib
ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na
gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng
isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin
ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na
paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang
kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa
kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang
mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang
sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob,
kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at
bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan
patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa
nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa
laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang
nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang
kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay
Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan
na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang
mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga
kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at
tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos
nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang
kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang
Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding
kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at
naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang
pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang
hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka
mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog
sa mga mahahaagang papeles at dokumento.
Repleksyon :
Nalaman ko dito na ang mga insurektos ay may lihim o pagbabalak na paglusob at sinasabi nila na si ibarra ang pinuno ng pag lusob na ito.
Repleksyon :
Nalaman ko dito na ang mga insurektos ay may lihim o pagbabalak na paglusob at sinasabi nila na si ibarra ang pinuno ng pag lusob na ito.
Kabanata 34 ( Ang Tanghalian )
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa
isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra
at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa
naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan
Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni
Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina
Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at
magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan
Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.
Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni
Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng
mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa
kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati
sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat
nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na
panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang
usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si
Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng
ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib.
Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at
iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.
Repleksyon :
Nagkaroon ng isang malaking salu-salu hindi napigilan ng lahat na mag-usap , napag-usapan ng mga panauhin ang pagkamatay ng ama ni Ibarra na pilit naman iniiba ang usapan ng alkalde para hindi magtanim ng sama ng loob si Crisostomo ibarra kay padre damaso.

Kabanata VII ( Suyuan sa Asotea )
Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si
Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago
ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang
dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo
namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa
malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon
sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang
pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga
damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya
babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang
tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya
Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang
pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang
puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na
nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan
nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon.
Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria
ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng
ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si
Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang
padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro,
pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging
mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay
Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong
sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang
kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria
ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di
makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si
Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang
matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang
kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni
Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes
alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya.
Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot
siya “Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala
akong umuwi dahil bukas ay undas na.”
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra.
Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na
ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang
mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago
at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina
San Roque at San Rafael.
Repleksyon :
ipinapakita sa kabatang ito ang mga patunay na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay nagmamahalan at ang mga pangyayaring nakalipas ay sabay nilang binalikan.
Repleksyon :
ipinapakita sa kabatang ito ang mga patunay na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay nagmamahalan at ang mga pangyayaring nakalipas ay sabay nilang binalikan.
Biyernes, Setyembre 28, 2012
Bibliograpi
Ang Bibliograpi na tinatawag ding talaaklatan o talasanggunian ay
listahan o talaan na mga aklat, peryodikal, jornal, magasin, pahayagan,
di-limbag na batis tulad ng pelikula, programa sa telebisyon at radyo,
tape, cassete, CD o VCD, website sa internet, at iba pang sangguniang
ginagamit sa pananaliksik.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang bibliograpi ay isang paraan para malaman ng mambabasa ang pinagmulan ng aklat at kailan ito nailathala.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang bibliograpi ay isang paraan para malaman ng mambabasa ang pinagmulan ng aklat at kailan ito nailathala.
Imahismo
ay pagsuri ng akda batay sa damdaming namayani sa tauhan nagpapakita ng mga kaisipan at ang panimula naglalahad din ito ng kagalingang tauhan.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang imahismo ay isang damdaming na namayani sa tauhan at dahil dito nakikita ang kagalingan ng isang tauhan.
Eksistensyalismo
Sinusuri ang tauhan batay sa kanyang kilos,paniniwala,paninindigan na
ang tao lamang ang tanging may kakayahanng magdesisyon sa kanyang
sariling buhay.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang eksistensyalismo ay tumatalakay sa kilos,paniniwala,paninindigan ng tauhan
Repleksyon :
Nalaman ko na ang eksistensyalismo ay tumatalakay sa kilos,paniniwala,paninindigan ng tauhan
Sa Lupa ng Sariling Bayan ni Rogelio Sikat
Tagpuan:
San Roque, Quezon City, San Fernando,
Tauhan:
Layo - Atty. Pedro Enriquez
- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na Amain na
kapatid ng kanyang Ama.
- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.
Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo
Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio
Ising - Ang asawa ni Layo
Fe - Ang Anak ni Layo at Ising
Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya.
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry.
Buod:
Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata
Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap
Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo.
Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang isang tao ay magiging maunlad kapag siya ay nagtrabaho ng mabuti at siya ay masipag kagaya na lamang ng tauhan sa kwentong ito naging matagumpay ang kanyang buhay dahil sa kanyang pagsisikap .

Saan Patungo ang Langay Langayan ni B. S. Medina Jr.
Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako.
Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari'y lumalaki, at ako'y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa'y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako'y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako'y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?)
Ito ang aking mithi: Paglaya.
At ako'y nagtatanong: Ano ang paglaya?
Ang paglaya'y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya'y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya'y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya'y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili?
Sa salamin, ang larawan ko'y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo'y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno'y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo'y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako'y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang - ang makalaya sa kaalipinan.
Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito'y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito'y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko'y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano?
Sa salamin ay naroon ako.
Ako'y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito'y naganap, nawala ang ligaya, nahalili'y hapis. At ako'y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala.
Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan.
Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki'y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari'y tuluyan nang nawaglit?
Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako'y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko'y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso.
Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba't luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa'y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito'y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo't masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito'y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim.
At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki'y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao.
Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka'y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. ("Huwag ninyong kakainin ito." Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya.
Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw - naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit - naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin - naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito'y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha.
Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba't sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan - nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.).
Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo'y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig ("Hayo at magsupling!") kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis!
Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao.
Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan.
Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso'y napalutang na ako, kasama ang sa aki'y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok - pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito'y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao.
At habang umiinog ang araw - sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo't laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako'y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.).
Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas - tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay.
Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko'y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko'y walang tinig.)
Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa't isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito'y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito'y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya!
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito'y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam.
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.
Repleksyon :
nalaman ko na ang saan patungo ang langay langayan ay tumatalakay sa isang tao na alipin ng kanyang pagkatao na naghahanap ng kalayaan . Ito ay maihahalintulad sa ating bansa na sinakop ng kastila .

Sabado, Setyembre 15, 2012
Batang Bata ka Pa
(Danny)
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman buhay ay di ganyan Tanggapin mo na lang ang katotohanan Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam Makinig ka na lang, makinig ka na lang
(APO) [chorus 1]Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman Makinig ka sa ‘king payo pagkat musmos pa lamang At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian
(Boboy) Batang-bata ako at nalalaman ko ‘to Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan Ngunit kahitganyan ang kinalalagyan Alam mo na may karapatan angbawat nilalang kahit bata pa man, kahit bata pa man [ From: http://www.metrolyrics.com/batang-bata-ka-pa-lyrics-apo-hiking-society.html ]
(APO) [chorus 2]Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan Sariling pagraranas ang aking pamamagitan Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay Maging tunay na malaya ‘sang katangi-tanging bata
(Danny) Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malamn at intindihin sa mundo
(Boboy) Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
(Danny) Batang-bata ka lang at akala mo na, na alam mo na ang lahat na kailangang malaman
(Boboy) Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
(Danny) Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
(APO) La, la, la, la, la, la, la La, la, la, la, la, la, la
Repleksyon :
ang nalaman ko sa kantang ito na ang mga bata ay marami pang dapat malaman sa mundong ibabaw

Buod Ng Sa Bagong Paraiso Ni Efren Abueg
Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng
mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at
magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit
ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na
malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang
walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at
relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang
maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang
pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na
pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng
kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga
puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga
nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa
kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay
nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay hindi
nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong
mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa
naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa
pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at
magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang
batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang
mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi
sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin.
Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at
magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang
batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang
babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng
kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog
naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y
pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong
tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at
sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at
hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang
pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay
nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung
malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng
hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y
nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit
hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at
kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa
nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan
sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol
sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig.
Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang
kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki,
dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng
nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang
lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na
hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang
kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya
magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang
lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito
at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig
sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi
ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw
niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at
inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang
babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan
habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?"
naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo
nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman
ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang
dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At
kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng
pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang
'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata
ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang
kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap.
Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga
kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay
napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa
kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang
dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!"
Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan
ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang
kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang
kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa
dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan
at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding
palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang
bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang
ikinalunod sa kanilang kawalang-malay. Namulaklak ang mga manga,
namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng
ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol
at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at
sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon
ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw
Repleksyon :
Nalaman ko na Ang Bagong paraiso ay tumatalakay sa dalawang tao na hinahadlangan ng mga magulang para sa ikabubuti nilang dalawa subalit nagkikita pala sila ng patago kaya nagalit ang mga magulang nila .

Biyernes, Agosto 31, 2012
Sa Tabi Ng Dagat ni Ildefonso Santos
Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom ng rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapithapon,
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…
Repleksyon :
Natutunan ko na ang tulang ito ay may sukat at tugma, at dahil doon ito'y tradisyunal at natutunan ko na itong tula ay nang yari sa isang araw lamang na nagpapakita ng pagsasama ng isang lalaki at babae.
Teoryang Realismo
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan
nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng
kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong
naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda
na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o
teksto sa lipunan.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang teoryang realismo ay isang paraan na nagpapakita ng pagiging totoo ng isang bagay o realidad ng anumang bagay.
Dekada 70
Ang mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga
aktibista, mamamahayag, pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga rali't
demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating
kasaysayan—ang dekadang 1970.
Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang
Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga
tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang
inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na
lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi
sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong
pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na
isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na
naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa
mga nangyayari.
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na
kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng
sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao,
iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at
ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng
batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento,
kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o
mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping
bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya
ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang
na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga
kaburgisan," wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na
kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang
ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa
limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng
mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa
lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng
NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para
palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda
na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong
sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang
si Kahlil Gibran:
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't
babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't
pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito
rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa
pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang
ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak
sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang
tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang
ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng
batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga
di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa
hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa
salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang
Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila
ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong
pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika
nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing
panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga
unang taon ng sumunod na dekada.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang
akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at
pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka
para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL,
itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para
sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang
kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng
organisasyon.
Sa mga panahong gaya ng dekada 70—na dekada ng pagkamulat at
pakikibaka—natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas
malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw
na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng
kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.
Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para
lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon
ng unos."
Repleksyon :
Nalaman ko na ang buhay ng mga ating kababayan noon nung pamumuno palamang ni marcos ay mahirap dahil sa batas militar na kanyang pinatupad . at nalaman ko na si julse ay sumali sa isang samahan at dahil doon lubos na nagalala ang kanyang ina na si amanda.
Pinagkuhaan:
Ito'y aking kinuha sa wikipedia at dahil doon ako po'y lubos na nagpapasalamat para ito'y makita ito po ang kanyang URL http://tl.wikipedia.org/wiki/Dekada_%2770_%28nobela%29.
Nobela
Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang isang nobela ay isang panitikan na tumatalakay sa isang pangyayari o eksperasyon ng isang tao at ito'y itinatanghal at ginagawa itong kawiliwili.
Pinagkuhaan:
Kinuha ko ang kahulugan ng nobela sa wikipedia kaya lubos po akong nagpapasalamat para ito'y lubusang maintindihan o makita narito ang URL http://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela.
Kahapon , Ngayon , At Bukas
Kahapon Ngayon At bukas
MGA TAUHAN
Kalayaan :
ama ni Walangtutol.
Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas.
Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya.
Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika.
Masunurin : ang babaeng pilipina.
Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan)
Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya.
Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika.
Asalhayop : ang mapaglilong tagalog.
HaringBata : ang haring Intsik.
Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan.
Halimaw : ang Kastilang pari.
Ang kahapon ngayon at bukas ay nagpapakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasama na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.

Nalaman ko na nais lamang ng mga pilipino noon ang makamit ang kalayaan ngunit ito'y hinadlangan ng mga nandarayuhan.
Teoryang klasisismo
Teoryang Klasisismo- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,ukol sa pagkakaibang estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ngmga pangyayari,matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtataposnang may kaayusan.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang teoryang ito ay nagpapakita ng pagiging marangal ng isang tao at pagiging balanse.
Bisang Pandamdamin , Pang Kaisipan at Pang Kaasalan
Bisang Pandamdamin- tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
Bisang pandamdamin- tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
Bisang pankaasalan- may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang lahat ng bisang nasa itaas ay nagpapakita ng mga pagbabago ng emosyonal o pisikal ng isang tao.
Miyerkules, Agosto 22, 2012
Ang Guryon ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
Repleksyon :
Nalaman ko na ang isang guryon ay inihalintulad sa buhay ng isang tao na maaaring mapatid sa kanyang mga problema. Nalaman ko rin na labis ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak na tinutukoy sa akda.
Biyernes, Agosto 3, 2012
Nanyo No Daiharan
Suehiro Tetcho's novel (1891)
about the Philippines expelling the Spanish and welcoming the Japanese
in their place, appeared together with actual expansion activities into
the Philippines and a series of intellectual debates about this
expansionism. At the time, Japan had just established diplomatic
relations with Spain, and was urged to establish a consular office in
Manila and a Kobe-Manila shipping route. Japanese immigration was
considered as well, but the two sides had very different purposes in
mind: Spain wanted to curry favor with Japan as well as to calm matters
in the Philippines with "docile" Japanese while the Japanese government
was planning economic expansion into Southeast Asia.
Contemporaneously, intellectuals such as Sugiura , Suganuma ,
and Fukumoto Nichinan were also promoting Japanese expansion into the
Philippines - Sugiura encouraging colonization while Suganuma and
Fukumoto promoted economic expansion. Using keywords such as
"entrepreneurial spirit" (shinshu no )
Suganuma and Fukumoto reasoned that the Japanese should sweep away the
passive characteristics from 200 hundred years of seclusion by adopting a
directly active foreign development policy. Either way, at the time
Japanese activity in the Philippines was neither economically nor
politically feasible, and both the consulate and the shipping line were
soon abandoned. Despite this, expansion into the Philippines continued
to be advocated, a fact which, especially in retrospect, indicates
alternate discursive or social value. Thus, it is possible to argue that
this debate was not based on rational economic need, but on a need to
stretch the limits of human imagination or to "construct" a political
reality. Taken one step further, it is also possible to argue that this
allows a rare glimpse into the functions of "narrativity" itself.
With this as a theoretical point of departure, this dissertation investigates two main issues. First, Suehiro Tetcho's (Storms
on the south seas) is analyzed together with political theories and
historical data from the same time period in order to demonstrate how
literature and politics were both developing "imaginative power" in
their focus on expansion into the Philippines. Building on this, the
dissertation then explores the connection between the creation of
subjectivity for the nation state and the use of "southern expansion" as
a popular fictional theme to further question the functions of
narrative and its role in the discursive formation of foreign relations.
Repleksyon:
Nalaman ko ang pagkakapareho ng noli me tangere at nanyo no daiharan sila ay gumamit ng pakikipag kapwa teksto.
Pinagkunan:
Sa Blog Ni Angelo C. Mirabel para makita ito sa kanyang blog narito ang kanyang URL http://angelomirabel02.blogspot.com/
Lubos po akong nagpapasalamat sau Angelo C. Mirabel
Pinagkunan:
Sa Blog Ni Angelo C. Mirabel para makita ito sa kanyang blog narito ang kanyang URL http://angelomirabel02.blogspot.com/
Lubos po akong nagpapasalamat sau Angelo C. Mirabel
Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
Si Dr. Jose Protasio Rizal (Ika-19 ng Hunyo 1861-Ika-30 ng
Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si
Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal sa
Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia,
Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak Nina
Francisco at Teodora.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa Hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Nalaman ko ang buhay ng ating pambansang bayani at dahil dito lubusan akong humanga sa kanyang katalinuhan at makabayan.
Pinagkunan:
Lubos po akong nagpapasalamat sa http://wiki.answers.com/Q/Buod_ng_buhay_ni_Jose_Rizal#ixzz22YrlhbSG na pinagmulan ng akdang ito
Epiko
Ang epiko ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpong kababalaghan at di-kapani-paniwala Ang epiko ay kuwento ng
kabayanihan. Punung-puno ito ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Halimbawa
nito ay ang mga sumusunod. Mga Epiko ng iba't-ibang rehiyon: * Biag ni
Lam-ang (Iloko) * Indarapatra at Sulayman(Muslim) * Bantugan * Bidasari *
Tuwaang (Bagobo) * Tulalang (Manobo) * Ibalon (Bicolano) * Labaw
Donggon (Kabisayaan) Sana Makatulong sa inyo.
.
Repleksyon: Nalaman ko na ang epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa buhay ng isang tao na may kapangyarihan o kakaiba at nagpapamalas ng kakayang hindi nakikita sa normal na tao.
Buod ng Noli Me Tangere
May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa,
Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang
mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya
lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari
kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga
walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak
ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming
panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa
pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni
Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat
sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang
pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay
humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang
pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga
bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang
lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating
pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang
hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging
dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa
pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na gustong saktan ng
artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na
yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don
Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa
namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit. Sa tinuluyang silid
ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang
isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at
malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya
napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiyago. May
humahanga at natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga
nasusuklam dahil sa kanyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo.
Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang kaluluwa. Marahil ay
dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man
ang kapintasan ni Kapitan Tiyago ay sinasabing mahal na mahal niya ang
anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga
kamag-anak ni Kapitan Tiyago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa
niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang
donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa
bahay ni Kapitan Tiyago sa Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe
ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiyago bago at pagkatapos ng pag-uusap
nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang
korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na
kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas
sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan
ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin
ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t
bagay-bagay sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe
mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa
kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na
mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan.
Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago tungkol sa isang mahalagang
bagay na sila pa lamang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at
malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay
muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang maliit na nayon lamang
ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing
pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba
pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang
bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng
maraming alamat. Isa na rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo
Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y
ang kura ng kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan
sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga
makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa
libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang
amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng
sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa
utos ng “Malaking Kura’. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo
ang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa
pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa
karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga
nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang
baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-siyensya,
makatao, at maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.
Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa kampanaryo pa ang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi nila naililitaw ang salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababa si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na daw sya ng gabi makakauwi. Ang sinasabing curfew ay alas nueve lang ng gabi.
Maraming katangian si Sisa… mabuti at masasama. Nakaimpluwensya nang malaki sa asawa ni Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang mabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamang kaangkinan ay nagbubunga rin ng masama.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia
civil. Nagtatakbo siya nang takot lalo pa nga’t hindi niya naintindihan
ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at nadaplisan ng bala sa noo.
Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lamang bilang
pastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang
hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si
Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malamang wala sa kumbento ang
susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lamang ang
pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya’t
ipinagtabuyan siya ng kusinero.
Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng
tungkol sa problema sa edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang
problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at kakulangan sa mga
kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng
kalagayan ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.
May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at
bayan ang nagmimiting. Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang
para sa pista ng San diego. Naging mainitan ang pagtatalo sa mga
mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don
Filipo. Gayunam’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi.
Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay
saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng
dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista. Si Sisa
ay hinuli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa
niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya ni Sisa
nang dalawang oras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya
naman siya ng alperes pagka't pakana lamang daw ng kura ang pagsusuplong
kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa
duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang nagging dahilan ng
kanyang tuluyang pagkabaliw.
Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos
magkapasabay na pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi.
Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa
piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San
Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si
Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan
ay isang lalaki ang kumausap sa kanya. Natupad ang kahilingan ni Maria
Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang
bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang
magkasama sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa
lawa patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan
ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran din iyon ng
pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang isang buwaya.
Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong
sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang
masaganang pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga
panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng
guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batang
sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang
pagkakakitan ng dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na
nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot
si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay
dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang
piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre
Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng
putik.
Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto,
pagpanggaling niya sa piknik. Ang kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang
naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos ang pag-iibigan ng
dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak,
kaya’t hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang
manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro.
Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang
humingi ng payo tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San
Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa kura
upang isanguni ang plano. Bukod ditto kailangan paring sumangguni ang
binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula’y tinutulan ni
Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kanyang
layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao
sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring
makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni
Pilosopong Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng
paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego.
Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki at maliliit mang
bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan
sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga
banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa
sa isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang
pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo
Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa
kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang
hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain niya. Kagabihan
ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad
ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at
kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba’t ibang mga pangyayaring naganap
sa kanilang pamamasyal.
Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang
nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa pista ng
San Diego gayong bispeas pa lamang. Makikita ang mga kapintasan ng mga
Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay
Ibarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang
sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang
bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa palagay ni
Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang nagpapahirap sa
bayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para
mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang
isang pinunong Pilipino ng tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya
ng mga pinunong dinidiktahan ng mga dayuhan.
Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego…ang
mayayaman at mahihirap, ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa
loob ng simbahan kaya’t sarisaring dama sa buhay ng tao ang mapapanood.
Saisari rin ang maraamdaman. Si padre Salvia ng nagmisa at naging
kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kanyang binigkas at
kinakanta. Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang
kanyang humor sa pagsulat. Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San
Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami
ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga
iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro”
tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga
ni Padre Damaso sa pagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang
nagprisenta sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang
magtayo ng panghugos na gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na
bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay at
matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang dahilan ay
bigla iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa
katapat ng panghugos. Kataka-taka in gang lalaking nagtayo nh panghugos
ang nabagsakan niyon, athindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si Ibarra si
Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway
niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang
matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na
lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng
tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra
para sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa
pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang
makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-heneral.
Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa
pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na
sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang
tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si
Cisostomo Ibara. Galit nag alit na hinarap ng binata ang pari.
Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa
handaan. Bawat grupo ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging
palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa’y
humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang
mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa
maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin
maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan tiyago
at Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina Padre Damaso at
Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan tiyago na
putulin ang relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria
Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan
nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan Tiyago ang malaking
halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung
puputulinniya nag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.
Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa
kanya upang magbigay-galang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan
at sa mga makabgong ideya nito sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang
matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring hindi niya iyon
laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat
nanghihinayang siya sa binata.
Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya
Consolacion. Pinagbawalan siyang magsimba ng kanyang asawa dsa
ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si Donya Consolacion
habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya’t si Sisa ang
napagbalingan niya at pinaglupitan.
Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa
plasa. Ito’y ang pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at
katangian ng iba-ibang uri ng tao ang maoobserbahan sa dulaan. Maaming
tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang pagkakabalisa.
Kaya’t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi
makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya kaya’t
inumaga siya sa pagtitimpla ng kung anu-anong kemikal sa kanyang
aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kanya ng
patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong
pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon.
Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin
dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon. Malungkot noon sa bahay ni
Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil dito ay
naipatawag si Dr. Tibucio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina,
upang siyang tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don
Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang
magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi
kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng
pagkakasal nila sa isa’t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa
kabanatang ito… si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso.
Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung
totoo lamnag ang inamalita niyong pagdadalantao.
Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria
Clara. Nahalata ng mga taong nakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila
nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa kanya ni Donya
Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si
Pade Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na
ipinagbilin sa kanya sa sulat nito. Samantala, takangtaka si Lucas nang
sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang
pagbibigay sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant
si Maria Claa pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga
taong nakapaligid sa kanya inihanda ni Tiya Isaabel si Maria Clara sa
isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa
naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon
sa kanya.
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang
nagtatago sa mga abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa
pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at
pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias na may
mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita
nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang
naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo.
Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata
sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi
ang lalong magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga
Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang katangain at kapintasan ng
mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganap sa sabungan.
Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase ng
pandaraya at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong
nagsasamantala at pinagsamantalahan.
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na
lansangan ng San Diego. Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may
pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo. Kay, gayon na lamang ang
kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nakasalubong,
lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila
ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng
komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya
Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag
niya ang lihim ng binat apag hindi niyon hinamon ng duwelo ang
komandante. Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang
araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo
ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon.
Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa
dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Samantala,
nagtaka si Ibarra nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor
Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang
patungo sa kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan
ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa sa
pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa guardia
civil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang
kasaysayan ng kanyang angkan. Nagulumihan si Ibarra sa kanyang nairinig
na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna
iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa pamahalaang
Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng
pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa
napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang
ipinangao niya ay Kapitan Pablo.
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi
pa matukoy ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang
may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapu-punang hindi
nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kanya.
Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang
lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob
sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya
ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang
iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya
sa suhal sa baraha.
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may
sinding kanilang nakita o kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin
pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa gayong pangyayari. Samantala ay
hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina pilosopong
Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga
Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t tatlong –daan taon na
itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay padre Salvi ay natuklasan
niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kanya ang isang
malaking sanwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura
ang komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan
niyang magiangat at mahinahon sa pamaraan ang puno ng guardia civil para
madakip at mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang
makapangyarihan na kapwa umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at
parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng taong
siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang mga kaanak.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa
lamang siya sa bulwagan ay umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga
putukan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang naghari sa mga nasa
tahanan ni Kapitan Tiyago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang
natitigilan. Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda siyang
para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga papeles ni Ibarra, pagkat
sinunog ni Elias ang kanyang bahay. Hindi iilang pala-palgay o sabi
sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putukan ang kumalat sa kabayanan
kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao
ng mamamayan. Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari.
Ang isa pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting lalaking may pilat sa
bakurang malapit kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid ang
napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo
rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang
nasabing pamisa ay para sa isang malapit nang mamatay.
Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng
komandante/alperes na imbestigahin sina tarsilio at Andong.
Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kanyang amang pinatay sa palo ng
gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na
nang timbain siya hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong
nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng sakit na tiyan ay
pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng
munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang
gawin ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay
Ibarra lamng walang nagmalasakit nang nang gayon. Sa halip ay inulan
siya ng mga bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kanya
ang lahat ng nangyaring mga kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang
nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na ang bersyon.
Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna
rito sina padre Salvi at Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa
mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan Tinong. Mahuhulaang
inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang ikinapapahamak
ng tao. Kadalsan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay
siyang nakapagpapahamak sa kapwa.
Ipakakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara kay Liñares, isang
kamag-anak ni Padre Damaso, upang makatiyak siya ng tahimik na
pamumuhay. Dahil dito’y nagging paksa ng tsimis ang dalga. Pati si
Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay
Ibarra ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang
magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias.
Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak
si Ibarra. Nais niyang makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya
sa bilangguan at sa mga humamak sa kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan
ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring
madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak na hindi
kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang
kanyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan
ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga
tumutugis upang makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.
Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa
tungisan sa lawa. Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito’y
ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang magmongha
pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lamang si Ibarra. Nadama
ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang nagawa niya sa pakikialam sa
pag-iibigan nina Ibarra’t Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang
tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.
Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na
kumupkop sa kanya sa kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa
kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang kanyang ina at nagpagala-gala
sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi
siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang
kanyang ina sa gubat. Nang noche buenang iyon ay isa pang wari’y takas
din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-ibang klase ng kasawiang-palad ang
naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang
alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na
nagbalik sa Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng
tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria Clara – mga balitang
hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng
Sta. Clara.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang noli ay isang nobela na isinulat ni Jose Protacio Rizal na tumatalakay sa tutuon nang yari nung tayo'y nasa kamay pa ng mga espanyol at nalaman ko na ang noli me tangere ay tumatalakay sa buhay ni Crisostomo Ibarra
Pinagkuhaan:
Lubos akong nagpapasalamat sa wikipedia na pinagkuhaan ko ng buod ng Noli Me Tangere para makita ito narito ang URL http://tl.wikipedia.org/wiki/Noli_me_Tangere.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)