Tanggapin mo anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
Repleksyon :
Nalaman ko na ang isang guryon ay inihalintulad sa buhay ng isang tao na maaaring mapatid sa kanyang mga problema. Nalaman ko rin na labis ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak na tinutukoy sa akda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento