Tagpuan:
San Roque, Quezon City, San Fernando,
Tauhan:
Layo - Atty. Pedro Enriquez
- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na Amain na
kapatid ng kanyang Ama.
- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.
Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo
Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio
Ising - Ang asawa ni Layo
Fe - Ang Anak ni Layo at Ising
Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya.
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry.
Buod:
Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata
Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap
Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang
pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang
sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang
tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa
quezon City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at
nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya
pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque
kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang
panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng
kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang
Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo
sa paghingi ng tulong kay Layo.
Ikinagulat ng lahat nang malaman na
mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang
pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na
huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman
niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay
naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya
noon. At Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin
Inilibing.
Repleksyon :
Nalaman ko na ang isang tao ay magiging maunlad kapag siya ay nagtrabaho ng mabuti at siya ay masipag kagaya na lamang ng tauhan sa kwentong ito naging matagumpay ang kanyang buhay dahil sa kanyang pagsisikap .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento