Miyerkules, Marso 13, 2013

Marso 1

Unang araw ng marso maagang akong namulat at naghanda para sa eskwela. Pagdating ko sa eskwelahan ay wala akong magawa at buti nalang at ung guro namin ay dumating agad at nagsimula ang klase. Masayang natapos ang klase dahil walang pasok bukas kaya pagkatapos ng klase ako ay dumiretso agad sa bahay dahil kakain pa ako at gagawa pa ako ng aking takdang aralin at pagdating ko ako ay kumain at gumawa ng aking takdang aralin hindi ko namalayan ang oras at merienda na pala at nagpahinga ako at naghintay ng oras . Ako ay kumain ng aking hapunan bandang 7 at nanuod muna ako ng telebisyon bago matulog.

Biyernes, Marso 1, 2013

Pebrero 28

Sa araw na ito ay maaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok. Pagdating ko ay siyang pagdating din ng aming guro . Pagkatapos ng eskwela ako ay umuwi agad at kumain ng aking tanghalian at ginawa ko lahat ng aking mga takdang aralin at nang 3 ay nag merienda ako at lumabas ako para maglaro ng basket ball at pag uwi ko ako ay kumain ng aking hapunan at natulog.

Pebrero 27

Sa araw na ito maaga akong nagising at pumasok sa eskwela . Pagkatapos ng klase ako ay umuwi agad dahil marami akong dapat gawin. Paguwi ko , ako ay kumain ng aking tanghalian at ginawa ko na ang aking mga takdang aralin , hindi ko namalayan ang oras . Natapos ko ang lahat nang aking ginagawa ng 6:30 at ako ay kumain na ng aking hapunan at natulog.

Pebrero 26

Sa araw na ito ako ay medyo kinakabahan ako dahil isa ako sa mga ieenterview .
Pagkatapos ng klase ako ay kinausap ng kaklase ko dahil kame ay kakain muna bago pumunta para mainterview . Pagdating namin sa room kami ay nag usap kung sinu ang mauuna . Pangalawa ako . Nang ako ang ieenterviewhin na ako ay kinakabahan at nang matapos kung mainterview naging maluwag ang aking pakiramdam . Pag uwi ko , ako ay kumain ng aking merienda at ginawa ko lahat ng aking takdang aralin nang 7 :30 na ako ay kumain at nanuod ng telebisyon at natulog.

Pebrero 25

Sa araw na ito kami ay nagsimba dahil kaarawan ng aking tatay at dahil doon kami ay naging abala sa araw na ito . Pumunta kami ng palengke para bumili ng dapat naming lutuin para sa birth day ng aking tatay at dahil walang kaming pasok naging masaya ang araw ko pero nakakapagod . Nang bandang tanghali ay dumating na ang aming mga kamag anak kaya nagsimula na ang aming kasiyahan . Nang bandang 6 ay natapos na ang kasiyahan dahil nag uwian na sila at ako ay nakatulog sa sobrang pagod .

Pebrero 24

Sa araw na ito maaga akong nagising at masakit ang aking katawan kaya tinatamad akong bumangon kaya nanuod muna ako ng telebisyon bago kumain ng aking almusal . Pagkatapos kung kumain ng almusal ako ay lumabas para maglakad lakad at pag uwi ko 1 na ng tanghali kaya kumain na ako ng aking tanghalian . Kagahapon ginawa ko na ang dapat kong gawin kaya ako ay nagliwaliw . Lumabas ako para maglaro ng kompyuter . Pagdating ko ay hapunan na pala kaya kumain na din ao at natulog.

Pebrero 23

Sa araw na ito maaga akong nagising kaya ako ay maagang nagising at pagkagising ko ako ay kumain ng aking almusal at pagkatapos nun ako ay nanuod ng telebisyon . Bandang 12 :30 na ako kumain ng aking tanghalian at naligo ako at ginawa ko na ang aking mga takdang aralin at pagkatapos nun ako ay lumabas para makipagkwentuhan sa aking mga kaibigan hindi ko namalayan ang oras kaya 6:30 na ako nakauwi muntik pa akong pagalitan kaya kumain agad ako ng aking hapunan at natulog.