Biyernes, Marso 1, 2013
Pebrero 22
Sa araw na ito maaga akong pumasok ng paarlan , pagdating ko , ako ay naglinis dahil isa ako sa mga taga paglinis . Nang dumating ang aming guro ako ay tumugil dahil iyon ang pagsisimula ng klase . At nang matapos ang aming klase ako ay umuwi agad at kumain ng aking tanghalian . Pagkatapos nun ako ay gumawa ng aking mga takdang aralin at bandang 7 ako kumain ng aking hapunan at ng 8 na ng gabe ako ay lumabas para bumili ng aking merienda at pag uwi ko , ako ay inaantok at nakatulog ako.
Pebrero 21
Sa araw na ito ako ang naging tagapag tala ng mga nakuhan marka ng aking kaklase kaya pagkarapos naming mag quiz ako ang nag tala. Masayang natapos ang klase . Masaya akong pumunta ng aming pagpupulong . Masaya siguro ako dahil sa biruan namin ng mga kaklase ko at matapos ang aming pagpupulong ako ay umuwi agad at kumain ng aking tanghalian at ginawa ko na ang aking mga takdang aralin at habang ginagawa ko ako ay kumakain ng merienda at bandang 7 : 30 ay kumain ako ng aking hapunan at natulog.
Pebrero 20
Sa araw na ito matapos ng klase kami ay nagkaroon ng isang pagpupulong at pagsasagawa ng aming proyekto . Hindi namin natapos ang proyekto dahil puro kalandian lang ang nang yari kaya dahil doon napag pasyahan naming mag si uwi , pagkatapos ng aming pagsasagawa ako ay umuwi agad at kumaing ng aking tanghalian dahil wala naman akong takdang aralin napagpasyahan kong lumabas para kumustahin ang aking mga kaibigan . Pag uwi ko , ako ay kumain ng aking hapunan at natulog .
Pebrero 19
Araw ng martes . Maaga akong nagising para ihanda ang aking sarili sa pagpasok . Masaya akong pumasok sa eskwelahan at pagdating ko , ako ay nangumusta ng aking mga kaklase at pagkatapos nun ay nagulat ako nung makita ko si mam na paparating at ako ay umupo. Nang matapos ang klase kami ng mga kaklase ko ay napagpasyahang manuod sa kanila at doon kami nanuod ng telebisyon masaya kami at matapos nun ako ay umuwi at kumain ng aking tanghalian at gumawa ng aking takdang aralin . Pagkatapos nun ay nagmerienda ako at maaga akong kumain ng aking hapunan at natulog dahil sa sobra kong pagod.
Pebrero 18
Medyo pagod ako nung gumising ako dahil kasi nagsimba kami kagabe . Pero ok lang , muntik akong mahuli sa klase , buti nalang at medyo nahuli si mam kaya sakto lang ang aking pagpasok. Pagkatapos ng klase ako ay pumunta sa bahay ng kaklase dahil kailangan naming gumawa ng aming proyekto at sa tagal naming nag eensayo hindi parin maayos kaya . Napagpasyahan naming umuwi nalang at bukas nalang ipagpatuloy. pag uwi ko sa bahay ako ay kumain ng aking tanghalian at pagkatapos kung kumain ako ay gumawa ng aking mga takdang aralin at bandang 7 ay kumain ako at natulog.
Pebrero 17
Medyo tanghali na ako nagising dahil medyo gabe na nung natulog ako kagabe . Pagkagising ko a, ako ay kumain ng aking almusal at nanuod ng telebisyon . Nang bandang 12:30 ay kumain na ako ng aking tanghalian at ako ay naligo at natulog. Halos 2 oras akong natulog at pagkagising ko ay magsisimba pala kami. Pagkatapos ng misa kami ay umuwi na at kumain ng hapunan at natulog.
Pebrero 16
Sa araw na ito maaga akong nagising dahil kailangan kong manuod ng telebisyon dahil ipapalabas ang paboritong kong cartoon na palabas. Maaga akong kumain ng aking almusal at nanuod ako ng telebisyon at matapos kung mapanuod ang paborito kong palabas naing buo ang araw ko kaya ako ay kumain ng aking tanghalian at lumabas ako para maglaro ng kompyuter at kasabay ko ang mga kaibigan ko. Pag uwi ko , kao ay naligo at nang bandang 8:30 ako kumain ng aking hapunan at natulog dahil bago ako maligo kumain muna ako ng aking merienda.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)