Biyernes, Disyembre 28, 2012
Disyembre 22
Maaga akong nagising para kumain ng almusal , magwalis at maglinis ng bahay natapos ang lahat ng gawaing bahay bandang ika-10 ng umaga at ako ay nakatulog at bandang ika-1 na ng tangahali ako nagising kumaen ako ng aking tanghalian pagkagising ko at ako ay lumabas para maglaro ng kompyuter . Pagkatapos kong magkom naligo ako. At mga ika-6:30 na ako naghapunan at natulog.
Disyembre 21
Mga bandang ika-10 na ng umaga ako ako nagising dahil sa sobrang pagod ko kahapon.Pagkatapos konh kumaen ng aking almusal.Lumabas ako para maglaro ng basket ball at bandang ika-12 ng tanghali ako umuwi para kumain ng tanghalian ,nanuod ako ng palabas sa channel 5 at nakatulog ako ng 2 oras . Pagkagising ko naligo ako at nang ika-7 na ng gabe kumaen ako ng aking hapunan at makalipas ang ilang saglit dinapuan ako ng antok at ako ay nakatulog.
Disyembre 20
Sa araw na ito , maaga akong nagising para pumunta sa paaralan para ipagdiwang ang christmas party ng ikatlong taon pangkat isa , masayang natapos ang pagdiriwang na naganap , napagpasyahan naming magkakaibigan na pumunta sa Sta . Lucia para magakaroon kame ng isang masayan araw na magkakasama , nang sumapit ang ika-5 ng hapon nagpasya na kameng umuwi . Pagdating ko sa bahay kumain ako ng pagkain ko para sa hapunan at natulog na ako.
Miyerkules, Oktubre 10, 2012
Kabanata 60 ( Ikakasal si Maria Clara )
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong
man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa.
Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del
Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago
ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong.
Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa
kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya
ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi
na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng
isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de EspadaƱa
na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya
Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang
nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan
tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na
magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang
nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib.
Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat
nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling
maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila
at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may
grado ng komandante, ang mag-asawang de EspadaƱa, si Linares na
nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot
siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na
maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang
daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat
kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa
narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan
niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay
lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na
katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon
lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay
binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan.
At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may
sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka
at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at
pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan
lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng
laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang
tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran
ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa
dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si
Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si
Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa
bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang
papalayo sa lumuluhang si Maria.
Repleksyon :
nalaman ko na sa bandang huli ng noli me tangere na hindi magkakatuluyan sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara . Nagdulot ito ng sakit sa kalooban ni Maria Clara na dahilan ng kanyang paglugha .
Repleksyon :
nalaman ko na sa bandang huli ng noli me tangere na hindi magkakatuluyan sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara . Nagdulot ito ng sakit sa kalooban ni Maria Clara na dahilan ng kanyang paglugha .
Kabanata 54 ( Ang Lahat ng Lihim ay Nabubunyag Walang Di Nagkakamit ng Parusa )
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga
taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin.
Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes.
Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago
makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng
kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib
ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na
gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng
isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin
ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na
paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang
kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa
kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang
mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang
sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob,
kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at
bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan
patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa
nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa
laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang
nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang
kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay
Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan
na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang
mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga
kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at
tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos
nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang
kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang
Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding
kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at
naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang
pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang
hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka
mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog
sa mga mahahaagang papeles at dokumento.
Repleksyon :
Nalaman ko dito na ang mga insurektos ay may lihim o pagbabalak na paglusob at sinasabi nila na si ibarra ang pinuno ng pag lusob na ito.
Repleksyon :
Nalaman ko dito na ang mga insurektos ay may lihim o pagbabalak na paglusob at sinasabi nila na si ibarra ang pinuno ng pag lusob na ito.
Kabanata 34 ( Ang Tanghalian )
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa
isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra
at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa
naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan
Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni
Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina
Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at
magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan
Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.
Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni
Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng
mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa
kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati
sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat
nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na
panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang
usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si
Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng
ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib.
Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at
iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.
Repleksyon :
Nagkaroon ng isang malaking salu-salu hindi napigilan ng lahat na mag-usap , napag-usapan ng mga panauhin ang pagkamatay ng ama ni Ibarra na pilit naman iniiba ang usapan ng alkalde para hindi magtanim ng sama ng loob si Crisostomo ibarra kay padre damaso.
Repleksyon :
Nagkaroon ng isang malaking salu-salu hindi napigilan ng lahat na mag-usap , napag-usapan ng mga panauhin ang pagkamatay ng ama ni Ibarra na pilit naman iniiba ang usapan ng alkalde para hindi magtanim ng sama ng loob si Crisostomo ibarra kay padre damaso.
Kabanata VII ( Suyuan sa Asotea )
Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si
Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago
ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang
dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo
namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa
malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon
sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang
pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga
damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya
babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang
tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya
Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang
pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang
puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na
nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan
nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon.
Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria
ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng
ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si
Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang
padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro,
pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging
mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay
Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong
sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang
kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria
ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di
makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si
Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang
matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang
kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni
Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes
alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya.
Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot
siya “Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala
akong umuwi dahil bukas ay undas na.”
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra.
Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na
ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang
mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago
at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina
San Roque at San Rafael.
Repleksyon :
ipinapakita sa kabatang ito ang mga patunay na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay nagmamahalan at ang mga pangyayaring nakalipas ay sabay nilang binalikan.
Repleksyon :
ipinapakita sa kabatang ito ang mga patunay na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay nagmamahalan at ang mga pangyayaring nakalipas ay sabay nilang binalikan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)