Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Pormal o Maanyo
Ang sanaysay na pormal o baguhan - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. katulad ng Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman
sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales
tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maanyo rin ito
kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili
ang pananalita kaya mabigat basahin.pampanitikan
kasi kaya makahulugan, matalinhaga, at matayutay. Mapitagan ang tono
dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di
kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso,
paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.Ang sanaysay ay nagbibigay
impormasyon, kaalaman, pinagaaralan, makahulugan, matalinhaga, may
tayutay, at mapintagan tono.
Impormal o Di-pormal
Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot,
nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang
karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilala ng
personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung
bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan
o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang
pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda,
ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig, kaya magaan at
madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono
dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat
pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang sanaysay at uri nito ay isang paraan para magbigay ng opinyon o isang pahayag na totoo at may ebidensya.
Pinagkuhaan:
Kinuha ko ang sanaysay na ito at mga uri nito sa wikipedia kaya lubos po akong nagpapasalamat at para makita ito ng lubusan o maunawaan Narito ang URL http://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang sanaysay at uri nito ay isang paraan para magbigay ng opinyon o isang pahayag na totoo at may ebidensya.
Pinagkuhaan:
Kinuha ko ang sanaysay na ito at mga uri nito sa wikipedia kaya lubos po akong nagpapasalamat at para makita ito ng lubusan o maunawaan Narito ang URL http://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento