Amando V. Hernandez
Si Andoy ay
alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa
Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama
siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan.
Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na
pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.
Nasisid
ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya,
sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating.
Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit
siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang
pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay
nagpabalatkayong si Mando Plaridel.
Ipinasiya ni Mando na
magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat
ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at
dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan
ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong
maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis,
kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si
Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni
Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa
mga ito.
Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak
nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng
Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang
dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at
nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa
Maynila.
Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan
ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan.
Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay
ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at
sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang
katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang
Kampilan.
Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang
katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang
Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.
Nagdaos ng
isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si
Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at
nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang
mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider
ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari.
Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga
nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa
lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral
ito ng political Science sa U.P.
Minsan ay dinalaw ni Mando si
Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa
wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na
malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si
Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal
sila ni Puri.
Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya
para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya
kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at
nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa
siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni
Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si
Dolly.
Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng
radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga
masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala
ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa
maipabilanggo niya si Don Segundo.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez ay tumatalakay sa isang magsasaka at ito'y naki pagkapwa teksto sa akdang Luha ng Buhaya.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez ay tumatalakay sa isang magsasaka at ito'y naki pagkapwa teksto sa akdang Luha ng Buhaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento