Buod ng Luha ng Buhaya
Umiikot ang kwento ng Luha ng
Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga
inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro
Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na
nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng
malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga
pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak
na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa
kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api
sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang
piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil
ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka.
Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang
handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng
mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera
upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na
asawa.
Dumating
ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka
at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang
mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong.
Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda
ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman
ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay
'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan
ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito
sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang
karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at
sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro
sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at
tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao
ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin
ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang
maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon
ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa
nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga
inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang Luha ng Buhaya ay may pagkakapareho sa Mga Ibong Mandaragit at ito'y tumatalakay sa isang mayaman at isang mahirap ,sila ay nagaagawan sa lupa.
Repleksyon:
Nalaman ko na ang Luha ng Buhaya ay may pagkakapareho sa Mga Ibong Mandaragit at ito'y tumatalakay sa isang mayaman at isang mahirap ,sila ay nagaagawan sa lupa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento